Sunday, March 18, 2012

krayola na naman ang mudra


naka 5 drafts na ako. gusto kong isulat kong gano kahalaga sa akin ang mga anak ko. sa oras na to, kung gano karaming luha na ang tumulo sa mata ko dahil sa lungkot na malayo ako sa kanila. na malungkot ako dahil hindi ko kayang tiisin ang kakulangan namin sa materyal na bagay at piniling lumayo para mabigay sa kanila yon.

na sa bawat gabi ko dito sa sg, kung gano ko ka miss yung harutan namin bago matulog. yung palakpak nila pag kumakanta ako kahit wala sa tono. gusto kong isulat kung gaano ko hinahanap ung pangungulit nila sa akin araw araw para tingnan ko yung mga drawing nila ng paulit ulit ng naruto characters.

ang hirap ng isang inang malayo sa mga anak. kapag may sakit or hindi magandang nangyayari sa kanila, para kang kakapusin ng hininga. kung paano mo maitatawid sa computer ung haplos at yakap mo.

sana tama ang desisyon kong iwan sila pansamantala. at sana mainitindihan nila na kayang tiisin ng mama nila lahat ng lungkot para sa kanila.

No comments:

Post a Comment