Saturday, July 14, 2012

wanted: blusang itim

nasan ka ba blusang itim? kailangan kita ngaun.

masaklap pa nito, ang aking ever dependable mr gugel hindi ka din kayang hanapin para sa kin. kung sino sinong magagandang babae at poster ng movie ang lumalabas sa search results.

ano to, insulto?
kailangan ko ng blusang itim!

kailangan kong itago ang mukhang to na unti unti ng binabalot ng lagim ng taghiyawat!


for the longest time, naniwala akong mas mahalaga ang kalooban ng tao. haler naman, hindi naman lahat ng tao katulad ni superman na may x-ray vision. nobody can see me through.

dati, gusto ko lang mawala ang mala belt bag kong tyan, ngaun dalawang major major na ang problema ko. that's taking aside the problem with sex or the lack of it at kadatungan.

alam kong hindi lahat binibigay ni Papa Jesus sa isang tao. pero grabe naman, wala naman Syang binigay sa akin kahit isa!

iq - average
height - unano
face - magaspang
katawan - avocado

ano buzz....Papa Jesus naman e. gawin mo ng totoo ang blusang itim at paki lagay sa labada ko para malabhan na at masuot bukas.

please, please.


No comments:

Post a Comment