Showing posts with label madness. Show all posts
Showing posts with label madness. Show all posts

Wednesday, August 8, 2012

count down removed!

tinangal ko na ang count down.



ang sakit.

hindi na tuloy si house husband.

napunit ang passport ni junakis 3.

dahil sa lumbay at paghihinagpis, nag inom ng 2 araw.

hindi inasikaso ang renewal or kung anong gagawin sa lintek na passport nya.

ayon, sa pag eemote nya lalong natagalan at tuluyan na syang hindi aabot para sa flight nya this aug.

nakakapanghina.

Monday, July 30, 2012

bad day!


for no apparent reason, i was totally pissed of the whole day - ang init ng ulo ko pwedeng makaluto ng sinaing. hindi naman cguro sa regla ko na animoy kinatay na baboy ako ng umuwi dito sa bahay.


duguan ako teh!

pero subalit datapwat maaari ngang dahil din sa letseng buwanang dalaw!



Sunday, July 22, 2012

when it rains, it comes it two's

amfotah!

mag-e-end na lang araw ko, binad-trip pa ako ng dalawang babaitang kinamumuhian ko - ng sabay?!

ano to?! nag usap?!

"tara sirain nating ang araw ni emotera" - two witches.

hindi pa ba pa sapat na binabalot na ako ng lagim ng pimpols ko?!at hindi na rin praktikal na takpan ng buhok dahil hindi na ako makakita?!

grrr. kainis talaga. pwede bang dedma na lang, wag nang manadya.

pero sorry, never kong ipapaalam sa inyo na affected ako sa existence nyo. ano kayo hilo?! i will never ever give you that satisfaction - ever!

Monday, March 19, 2012

graduation ko mukha ko!

bad trip sa lahat ng bad trip ang school ng anak ko!
na move ang date ng graduation. kung kelan ok na sana lahat!
napaka irresponsible as in para maglabas ng ganong info tapos babaguhin lang ng ganon ganon.

taena talaga.


so ang ending, uuwi ako para mamasyal at sa chenes dahil hindi ko na pede move ang date dahil sa work requirement. at ang very sentimental graduation ng anak ko ay mananatiling imagination na lamang at pictures!

Sunday, March 11, 2012

headline - datung ni sissy, kinembular ni j2 at ely!

gusto ko sanang i-kalma ang sarili ko at sabihing ok lang yan, ang sabi naman ng anak mo kahit walang pera basta magkakasama kayo e. 

putek! yan ay ang sa anak ko! 

pano ung gagastusin ko sa pinas pag umuwi ako, hindi ako kasama sa budget nila. i mean hindi ako kasama don sa budget na pinadala ko. huh?! gulo. baka maging pabigat pa ako.

as 50sgd lang spare money ko pag uwi, mag taxi pa ako pagkagaling sa changi dahil anong petsa ung dating ko davah?!

wah (sen. miriam santiago version!).

no nangyare?! am too sentimental about this whole graduation thing. a lot of mothers will be. so nagpa book ako ng ticket after confirmation from my sissy-in-law na mapapahiram nya ako ng pera (or maiiihiram nya ako ng pera).

ayon kinembular ng mga pamangkin nya na ang mga perents e going thru a serious LQ. baket?baket?baket dinamay ang pag asa kong mailabas kahit sa kainang me bubuyog at malaking pwet ang junakis ko?!

and i was too afraid to pop the question - "sissy, babayaran ko pa ba un? hindi ko naman nagamit? dapat iningatan mo!."

tinalo ng post na to ang galit ko sa kafatid ko at lahat ng nega labels ginamit ko! 

(crying - katamad tuloy pumunta ng oec!)


Tuesday, March 6, 2012

pakshet talaga tong kapatid ko oo!

hay, ang aga aga ng ka bad trip-an na to.

dinudugo na naman ang mudra ko. sabi ko magpadala sa ospital.

ayaw naman kc takot na sa IE. hala,!

sabi ko ilang beses ko ng tinext ang super dooper bait kong kafatid wala kakong reply.

baka daw nagtatampo.

saan?!baket?!kelan pa sya nagkaroon ng karapatang magtampo?!

unang una pinabayaan nya magulang namin, pinabayaan nya asawa at mga anak nya ngayon nambabae sya at pinaka mababaw na dahilan is wala naman syang ginastos sa akin para mag expect sya sa akin no?!

kapal.

kahit magkaroon ako ng laksa laksang pera hindi ko sya bibigyan ng pera ng ganon ganon na lang. ano swerte?!

taena.