Showing posts with label pagpapapayat. Show all posts
Showing posts with label pagpapapayat. Show all posts

Tuesday, June 19, 2012

ang paksiw...baw!

saka na nga yata ako papayat pag inuuod na ang aking katawang lupa. ung officemate kong indiana na parang higante kasing bigat ko lang. ayaw ko man isipin pero minsan talaga life is so unfair. si bff at ang iba nyang katulad na parang rice monster pero hindi nagtatabaan ang mga taong pinagpala.

sad to say, hindi successful ang aking suicide attempt kuno. hindi dahil hindi effective pero hindi ko natuloy.

basahin nyo to if hindi kayo maka-relate - my first suicide attempt

Monday, April 9, 2012

kandasuka sa pagda-diet

congratulate me. success ang bakla sa pag lose ng 2 kilso so from 62 kilos to 60 kilos. parang wala namang significance.

pero eto ang catch - twice akong nagsuka at mahilo hilo ako habang naglalakad. masama din pala un te.

so i learned my lesson. dapat wag magpakamatay. hindi overnight ang pagpapapayat, dapat determined ka pero patient din. 

if you want something done, you must work hard for it and a short cut is now always applicable.

Sunday, April 1, 2012

my first suicide attempt

first time in history ata na naka schedule ang suicide.

at tanging si emotera lang ata ang gagawa non. cge try mo search sa net if nakapagpa set in advance ng kanilang suicidal attempt. i am 100% sure na wala. pustahan pa tayo - mag suicide ako kapag mali ako?! ano?



so you asked, anong drama na naman etetch. e pano ba naman, nagtimbang ako kahapon. and the weighing scale shouted an enormous 62 kilos at me!



hindi na to keribels. imagine huh, wala pa akong 5 feet and i was weighing 62 kilos. so naisip kong magpakamatay na lang. masakit sa akin to ha at sana kayanin ko. so tomorrow, i will have my first ever attempt to kill my ownself.

starting tomorrow...
  1. no rice - pikit mata
  2. no coffee - unless walang sugar at creamer
  3. continue the smoke-less life (more than a month na started Feb. 18, IKR (like i know right) na nandaya ako when i was in pinas, 5 days lang un)
  4. no bus #6 - so from loyang avenue til office, back and forth, lalakarin ko na - strictly
  5. 2-hr jog or walk - everyday (ambulance please)
me naiisip pa ba kayo na pwede kong ikamatay, please feel free to comment. baket kase kahit food na hindi ko kainin at madaanan ko lang e nagre-register sa katawan ko. i was not surprised that i was offered the large size kahapon sa lucky plaza. fits me just right.

kainis. samantalang dati extra small lang ang size ko. waaaahhhhhhh.



Sunday, February 26, 2012

maghiwalay na kau please lang

ang hirap pag ofw ka at wala kang kadatungan pag week-end. no choice ka kundi kubain sa kaka-net. happy naman ako kase naka chat ko na ang house husband ko at mga nag kyu-kyutang mga junakis.

on the oda hand, parang ndi ko maa-achieve ang goal kong pumayat pag ganito ng ganito. gusto ko pa naman mapag hiwalay ko na ang close na close kong mga hita o.

ganda kc tingnan kapat naka shorts davah pag maganda ang legs. hilig ko pa naman mag shorts tpos ang chuva chuva na, short legged pa. haist.



ang close na close kong mga hita

at nakuha ko pang mag pitsur habang naglalaba. lol.

di bale, pag yang dalawang yan napaghiwalay ko, gagawan ko sila ng sariling blog. hahahaha...