ang rh bill po ay hindi red horse bill kundi reproductive health bill na sa loob ng 13 years or so ay pinagtatalunan na ng iba't ibang panig at grupo sa pilipinas. ito ay naglalayong mapabuti ang antas ng pangangalaga sa mga kababaihan at ang malalim na pagpapahalaga sa pagpaplano ng pamilya sa pamamagitan ng malawakang pagsulong ng paggamit ng mga contraceptives gaya ng condom, pills at iud. ang mga pro ay nagsasabing sa rh bill maaaring ma-kontrol ang sa ngayon ay mabilis na tumataas ng populasyon ng pilipinas at kalaunan ay maging sagot sa pag kontrol ng malawakang kahirapan sa bansa.
whew - ang lalim non. wala namang masama sa layunin ng mga pro. sang ayon ako. sabi nga ng congresswoman na sumali sa grand debate ng gma 7 noong may 2011, common sense lang yan. totoo naman. sa economist, law of supply and demand. pag marami ng consumers, tumataas ang presyo therefore maraming ng hindi makaka avail. sa unit ng pamilya, ito ay tumutugon sa edukasyon, pagkain at mga basic needs. pag marami ng anak, empre hindi na kayang i-provide with the same quantity and quality ang kanilang basic needs. may tama si congressman!
pero, datapwat, subalit,,,,sa ganang akin, hindi na natin kailangan ng isa pang bill - marami na akong bill-bil. kidding aside, may mga existing laws or bills na tayo na naglalayong maproteksyunan ang mga kakabaihan. hindi ko na cguro kailangan pang i-site kung ano ang mga iyon dahil mas maraming eksperto sa batas ang mulat na sa katotohanang iyon. nabanggit din ang isa sa mga bill o batas na yon actually sa grand debate - ang magna carta for women.
sa puntong ito, sang ayon ako sa mga anti. maliban lang sa sinasabi nilang ito ay abortive. ayon kay wiki, ang abortion ay ang termination of pregnancy. kung ikaw ay gumagamit ng alin man sa mga contraceptives, hindi ka na magbubuntis. abortion kung ikaw ay nagbuntis at pinatanggal mo.
so sa makatuwid, ang moral na premise kung dapat or hindi dapat isulong ang rh bill ay labas na sa usapan. wala or wala ang rh bill, dikta na ng konsensya at sariling paniniwala mo na kung gagamit ka or hindi ng contraceptives. wala pa man noon ang rh bill, libre na ang condom sa health center sa bago bantay quezon city. katunayan ayaw ng asawa ko gumamit dahilan pra kami ay mag withdrawal method na lang. ang pagpa-plano ng pamilya ay nasa masinsinang pag uusap ng mag asawa.
hindi ako balimbing at lalong hindi totoong hindi ko kayang manindigan bilang isang pilipino na nagta-trabaho sa malayong bansa para mabigyan ang pangangailangan ng mga anak ko. meaning, apektado ako. hindi ko man mababawasan pa ang mga anak ko pero naniniwala ako na noong sinabi ni Papa Jesus na humayo kayo at magpakarami, dalawa pa lang nga sila. galing no. nabanggit din ito sa debate. totoo naman e. pero binigyan din tayo ng Panginoon ng sariling isip at common sense. hindi porket sinabing magpakarami, kahit hindi na mapakain e ok lang. davah?!
so ano ang stand ko?
hindi na natin kailangan ng rh bill.
hindi dahil sa puntong ito ay imoral at hindi sagot sa pagkontrol ng kahirapan. wag ng ipasa ang rh bill dahil binibigyan lang natin ng butas or chance na magkaroon ng bagong paraan ang mga kurakot sa ating bansa na mangurakot pa. baket?dahil sa rh bill, bibigyan ng pondo ang programa. para ano? bumili ng mga condom at iba pang contraceptives na ipamimigay kuno sa mga taong hindi makabili nito. sigurado ba tayong makakarating yon? baka matulad na naman sa mga fertilizers yan. wala pa ang rh bill, may pondo na para dito kaya nga may mga contraceptives na libre sa mga health center noon pa e.
ang kailangan natin ay paganahin or reinforcement ng mga existing laws na may mga layunin na katulad ng sa rh bill. country-wide awareness na dapat na matagal ng tinatrabaho ng mga naka-upo sa gobyerno - mga politiko at empleyado.
sa ganang akin, marami ng nasayang na panahon at efforts sa pagtatalo about rh bill. mga panahon at efforts na dapat inilaan na lamang sa pag educate sa mga tao ng advantage at disadvantages ng pagkakaroon ng malaking pamilya sa bansang katulad ng pilipinas. pera na dapat inilaan na lamang sa mga natapyas na budget sa edukasyon at social service. kung matagal ng enforced ang mga existing laws for women's health, di sana nag slow don na kahit papaano ang ating population growth na eventually will cause slowing down of poverty rate sa pinas.
common sense.
so anong nangyari sa condom na binigay sa aming mag asawa?
ginawang lobo ng asawa ko at pinalaruan sa anak nya na noon ay mag isa pa lang. baket daw hugis etits.
No comments:
Post a Comment