dahil sabog, kalat kalat na naman utak ko.
ang dami tumatakbo, hindi kaya sila napapagod.
kapal ng mukha ng kapatid ko, nagpa follow up pa don sa "inuutang" nyang P10,000?! parang ganon lang kadali.
tapos ung ate ko nabinbin na naman ung canteen chorva namin. diskaril ang finances ko as in!
lintek na mga utang yan.
kaya ko to, sabi ni Papa Jesus, be still, I am you God.
para sa masasaya at masalimuot na mga sandali, mga makahulugan at mga walang kakwenta-kwentang pangyayari, mga echos garbansos at kung anik anik sa buhay ko bilang isang emoterang junakis, mudra, pinay ofw dito sa sg and tigang na may-bahay (may emphasis to te!)
Showing posts with label ofw. Show all posts
Showing posts with label ofw. Show all posts
Sunday, July 22, 2012
Saturday, July 21, 2012
sana ang relationship hindi right minus wrong
naglipana ang hatred sa mga international group/community sa facebook ng mga ofw katulad ng lola mey sa kanilang mga jowa. fault finding, sisihan, hanapan at kung anik anik na negativities.
pero pano nga ba mapasok ka na sa isang relasyon? dapat ba laging check katulad ng exam? hindi ba pwedeng maybe ang sagot para hindi check hindi rin ekis?
at katulad ng sa exam, hindi ba dapat bago ka sumuong ay handa ka, nakapag basa or nakapag review para kung anuman itanong sayo, kakayanin mong sumagot - tama man o mali. pero may tinatawag ding stock knowledge, ung mga narinig mo, nabasa mo ng konti at napagdaanan mo - pwede mong magamit sa pagsagot sa exam.
Sunday, July 15, 2012
dying once again
baket ba hindi enough na makita ko sila sa webcam? i should be thankful na technology gets us connected unlike ung mga nag-a-abroad before. nakikita ko sila, nakakausap at kahit papaano involved sa buhay nila araw-araw.
pero baket may kulang? like there is hole that cannot just be filled over and over.
gusto ko silang mahawakan, mayakap at pupugin ng halik!
Saturday, July 14, 2012
hindi porke't nasa abroad ako mayaman na!hindi ako banko!
yan ung latest na page na ni-like ko sa fb. kaaliw mga kwento. sari sari. may tungkol sa pag-ibig - actually karamihan tungkol dito - mga kabaliwan, pagkalito at pagkabigo. ung iba naman nag-ask ng tulong kung pano ung mga pasikot sikot ng kung ano ano. at meron ding katulad ng kaso ko, tungkol sa mga kamag-anak na kung mag message, tungkol sa problema nila sa pera. laging may peso sign sa huli.
Wednesday, June 13, 2012
the best plastic ware(s) can be found here in sg!
hep, hep, hep....before hitting the nearest fair price or any plastic ware section of a supermarket, read on first. this is not about the usual plastic ware.
haunted stories - day 1
patang pata ako sa paglilipat namin ng araw na yon. as in yong pawis ko ha, parang kalamay na sa lagkit. napaka uneasy ng feeling. sureness hindi ako makakatulog ng maayos kahit di-aircon pa yong kwarto. so kuskos dito, kuskos doon.
biglang namatay ang ilaw.
Tuesday, June 12, 2012
Friday, June 8, 2012
closing time
kapagod talaga pag closing!
at nakakangarag!
at nakakahilo!
at nakakalito kung ano uunahin!
at ako ay napagalitan ng bonggang bongga. i almost said to my boss that i was actually expecting that.
but working in a different country is another thing. nakakatakot kc parang anytime mapapauwi ako ng wala sa oras at walang walang pera.
that cannot happen. if that happens, i know my life has hit rock bottom.
at ako ay napagalitan ng bonggang bongga. i almost said to my boss that i was actually expecting that.
but working in a different country is another thing. nakakatakot kc parang anytime mapapauwi ako ng wala sa oras at walang walang pera.
that cannot happen. if that happens, i know my life has hit rock bottom.
Thursday, May 24, 2012
exhausted
letse! tatlong araw na akong pagod na pagod kakalakad sa paghahanap ng "the one" - ang aming magiging sanctuary at kanlungan ng pagal na katawan sa araw araw.
ang hirap maghanap ng bahay - na pwede kaming magkasama ni sister. patang pata ako sa bawat pag-uwi ko sa letseng unit na tinutuluyan namin ngayon.
anyway highway.
anong konek ng bench na yan sa taas sa topic? wala. harharhar. gusto ko lang i-post baket?me reklamo?
pero ano nga ba ang dapat hanapin mo sa pagpili ng magiging pansamantala mong tirahan habang malayo ka sa pamilya.? the list comes in no particular order. you have to weight things over at kung ano at saan ang swak na swak, gora na!
- affordable - unang unang consideration ay ang presyo. kaya ka nga nagtitiis malayo sa kanila para maka-ipon at hindi para magpa bongga ka day.
- comfort - hindi porket mura ay mag settle ka na sa place. baka naman parang pugon e hindi naman makatarungan un. choose a place where you can have a good rest after a hard day's work. naging isang consideration namin to drop a very affordable room was ung toilet. sinauna pa so ayaw namin non kahit na ganon pa sya kamura.
- convenience - dapat convenient at accessible sa work at sa ibang amenities na tingin mo kailangan mo sa araw araw na buhay mo. hindi porket comfortable at at mura, ay magkandarapa ka na. baka naman 4-hour travel e naku, talo!
and other things come next. like ambiance, hitsu ng mga magiging kasama sa bahay etc.
at the end of the day, it is still your call.
Wednesday, May 23, 2012
saved S$61 today!
i always feel guilty pag inuuna ko sarili especially sa mga bagay na kapag hindi ko naman mabili e hindi naman ako mamamatay. pero at the back of my mind, sinasabi ko na i deserve this naman kc nagwo-work ako. someone needs how to reward herself pero if alam mo sa sarili mo na may mga taong umaasa sayo at kung gaano kalayo ang mararating nun ng equivalent amount in peso, napapaisip ako lagi. pero minsan, bumibigay ako at nanghihina din lalo na pag magaling ang sales talk.
but today was an achievement for me - proud of myself!
Friday, May 18, 2012
bisyo na 'to!
i can now imagine how my other relatives and my husband's relatives abroad were feeling every time we drop a message at facebook asking for financial help. probably the same feeling i am having right now.
for three days straight, my husband and i, had been receiving, expressly and impliedly, messages asking for financial help. first was from nephew - asking for like 500 bucks lang naman because mapuputulan na daw sila ng tubig and pandagdag sa pang atm ng pinaka maganda kong pamangkin. fine. walang problema. valid reason pero sana maghanap na sya ng work kahit alam nyang pag aaralin ko sya. tingin nyo, davah?! second, kailangan pala ng pang enroll ng pamangkin kong idol si boy abunda so nagpunta si ate sa bahay. 250 pesos lang naman at saka ate ko yon. fine. kinabukasan, si brother-in-law naman. mapuputulan na daw sila ng ilaw at kailangan ng pandagdag na 900 pesos. dahil sa asawa ko, pinagbigyan na din namin. kinabukasan, may fb message ako, galing sa asawa ng pamangkin kong isa. kailangan daw ng pampa check sa apo kong 3 days ng nilalagnat. pwede naman nyang dalhin sa public health center or sa government hospital, katulad ng ginagawa namin sa anak ko kapag walang wala kami. and then, today, nag drop din ung asawa ng brother in law ko. pahingi daw ng pera kahit magkano lang! hindi ko na sya pinaasa. i told her straight na wala akong mapapahiram sa kanya dahil tinulong na namin sa asawa nya. tapos sabi pa nya wag kong sabihin sa asawa ko?! huwat?! turuan pa akong maglihim e un na lang kakampi ko sa buhay bukod sa mga anak ko.
the money involve was probably small. but the point is - bisyo na to!
ginagawa na ba nilang libangan ang paghingi sa amin? i mean hindi kami madamot mag-asawa. like we plan for them. we plan to how make all our lives better. pero pano kami makaka ipon kung ganito!
my husband and i decided not send the kids to private school simply because we cannot afford it - yet. we accepted the sad truth. kesa ang umasa pa kami na tutulungan kami ng mga tyahin nya davah?! at parang, ikr, so awkward. you know, ofw ka tapos umaasa ka pa din na tulungan ka financially. kung hindi kaya, hindi kaya. ang dami ko pang utang at hindi pa un nabawasan ng isang kusing nung pagpunta ko dito tapos ganito. masakit don, ayaw nilang maniwala na mas matangkad pa sa akin ang listahan ko ng utang.
i don't want to shut them out of our lives or magtampo ng tuluyan pero ayaw kong masayang ung sakripisyo ng mga anak ko for being mother-less for how many months now and counting.
pano ko kaya mapapa-realize sa kanila na wag nila kaming gawing easy access to solve their financial problems. at sana hayaan din nila muna kaming makabangon sa pagkakalugmok.
to do's
i have taken my in-lieu off today for the vesak day last May 5. tambak tambak ang aking for filing sa steel cabinet, why on earth i took a leave?
a. forfeited sya kapag hindi ko na-take within May
b. i need to catch up with my sleeping. not that i was not sleeping, i just lack sleep since i got this laptop (my new bff!)
c. gusto ko e.
enuf said. so i will have my long week-end (techinically 2 days na lang kase as of this writing, patapos na ang aking leave). and what worthy things can i do with it?
- update my five blogs. believe me, with only this, i can consume my entire week.
- start with the financial plan
- start with the business plan
- start on hard aerobic exercise.
there are a lot of things out there and in there (internet) that you can read, research, ponder, experiment and so on to kill time.
till next post mga ka-emote.
Tuesday, May 1, 2012
Sunday, April 22, 2012
hay buhay, parang life
ang hirap mawalang ng mahal sa buhay pag ofw ka. pati pera malaki mawawala sayo. :(
dalawang araw na akong bina bad trip nitong famangkin ko.
dalawang araw na akong bina bad trip nitong famangkin ko.
alam kong pag pers tym mong makipag deal sa kahit anong bagay, nakaka tanga talaga e. pero malaking tulong ung may matatanungan ka. kahit ung pan tangang tanong na.
i don't mind sending them instructional sms kahit na nga ang mahal mahal. hindi ko na nga iniinda para lang mabawasan ung dalahin nila. mahal na mahal nya kapatid nya at talagang dinamdam nya pagkawala ng sisteret pero may instance dapat na you should be in sound understanding. napaka simple lang ng instructions na sinend ko ng 1038am. after that, i sent 10 sms about the same topic. siste, umuwi sya sa bundok na hindi pa nabayaran. so tom uulit na naman kami at worse mas mahal na ung ticket.
my gawd.
kaka receive ko lang ng sms. sya na lang daw uuwi kc bawas bawas na pera nila at malayo ang sm. ok lang daw ba na iwan ung isa nyang kapatid. hindi ko kc maintindihan baket kailangan na mag eroplano if kulang na ung pera. pwede naman mag-barko. anlufet ng mga to.
ung pagkamatay ng pamangkin kong babae, dala na rin ng katangahan nila. ung nanay walang ginawa man lang para mai-communicate na sobrang emergency na ung case ng anak nya! one month ng nilalagnat, dinala sa ospital nung kailangan ng salinan ng dugo. typhoid fever lang un. susko!
ung pamangkin ko naman na nuknukan din ng ewan, pag naka OL sa fb, laging sinasabi nagkakasakit na sila don at gusto ng umuwi. wala man lang sense of urgency.
hayyyyyyyyyyy.
i need to go to church para mabawasan ang imbyerna ko.
i need to have a sound mind.
Monday, April 16, 2012
bye bye tin tin namin
this is the 2nd loss in my family - first was tatay. but she this one was super unexpected. and i did not do anything - i couldn't do anything.
ang hirap ng ofw. me mga bagay na feeling mo dapat nagagawa mo. i feel so much pain right now - for the loss and for the guilt. i wish i did something. i wish i was able to do something to save her.
bye tin. mahal na mahal kita katulad ng pagmamahal ko sa iba pang pamangkin ko. lahat kayo part ng pangarap ko.
i requested for a company loan but i was denied. gusto ko sana malipat ka sa manila para makita ng lola at papa mo pero denied. sana me iba pang paraan.
Sunday, April 15, 2012
haus hunting mode
hirap maghanap ng haus!
okay naman sana dito ke doris bigo-nia no. i mean wala syang ganong rules at walang arte. pero naman, ang dugyot. parang dapat uuwi ka pag papakit na mga mata mo. ung tipong antok na antok ka na. ganon!
at gusto ko dito malapit sa work.
un lang, ang dramarama sa hapon hindi na natatapos. laging me sequel ang crying ladies ni sharon cuneta. at talagang minsan hindi ko ma-gets if baket ang ayos ayos naman tapos biglang magsisigawan. huh! may sayad ata tong mga to.
at ang bunso ha (remember may earth hour post?! sya un!), bigla na lang magsisisigaw nung fave expression nya pag naglalaro ng maliliit na soldier toys!
itutulog ko na to. sobrang pagod. ung kausap ko don sa paya lebar, mas magulo pa sa bulbol ko. hindi alam if saan ako papapuntahing unit. kala nya hindi ko sya tatalakan. at hindi ko sya sinipot. gago sya!
Published with Blogger-droid v2.0.4
Friday, April 13, 2012
tukso, layuan mo ako!
kung susumahin isang taon pa lang akong ofw - sa magkaibang country.
sobrang thankful ako na kahit ganon ka-possible ang tukso, naiiwasan ko. thankful din ako sa nakakasama ko kung gano kabait.
or baka ndi lang ako type!? lol.
at eto na naman.
buti na lang ung pagmamahal ko sa house husband e saksi ang langit. kundi naku.
sobrang thankful ako na kahit ganon ka-possible ang tukso, naiiwasan ko. thankful din ako sa nakakasama ko kung gano kabait.
or baka ndi lang ako type!? lol.
at eto na naman.
buti na lang ung pagmamahal ko sa house husband e saksi ang langit. kundi naku.
Wednesday, April 11, 2012
oec adventure
as promised, eto na ang aking OEC adventure. dapat matagal ko ng pinost, wala na ung momentum. tapos listening to "himig ng pag-ibig" song...wala na. tulog na to.
anyway, describe ko na lang po sa inyo ung bawat pics to give you the glimpse of my own experience.
![]() |
| Philippine Embassy Singapore |
![]() |
| Queue number ko sa Window #5 |
![]() |
| OEC queue |
![]() |
| Drinks vendo machine - wala ka naman choice |
![]() |
| Lunch - both from vendo machine located sa embassy |
![]() |
| ang nilakbay - from ion exit sa orchard untl phil embassy |
![]() |
| announcement |
![]() |
| mag right turn ka dito pagbaybay mo ng tanglin rd |
![]() |
| from orchard road, tumbok ka dito sa tanglin road tapos don sa naseem |
Sunday, April 1, 2012
my first suicide attempt
first time in history ata na naka schedule ang suicide.
at tanging si emotera lang ata ang gagawa non. cge try mo search sa net if nakapagpa set in advance ng kanilang suicidal attempt. i am 100% sure na wala. pustahan pa tayo - mag suicide ako kapag mali ako?! ano?
so you asked, anong drama na naman etetch. e pano ba naman, nagtimbang ako kahapon. and the weighing scale shouted an enormous 62 kilos at me!
hindi na to keribels. imagine huh, wala pa akong 5 feet and i was weighing 62 kilos. so naisip kong magpakamatay na lang. masakit sa akin to ha at sana kayanin ko. so tomorrow, i will have my first ever attempt to kill my ownself.
starting tomorrow...
- no rice - pikit mata
- no coffee - unless walang sugar at creamer
- continue the smoke-less life (more than a month na started Feb. 18, IKR (like i know right) na nandaya ako when i was in pinas, 5 days lang un)
- no bus #6 - so from loyang avenue til office, back and forth, lalakarin ko na - strictly
- 2-hr jog or walk - everyday (ambulance please)
me naiisip pa ba kayo na pwede kong ikamatay, please feel free to comment. baket kase kahit food na hindi ko kainin at madaanan ko lang e nagre-register sa katawan ko. i was not surprised that i was offered the large size kahapon sa lucky plaza. fits me just right.
kainis. samantalang dati extra small lang ang size ko. waaaahhhhhhh.
Friday, March 30, 2012
confession
cge na, inaamin ko na. hindi totoong ayaw ko na magkapera sa blogging. mukha talaga akong pera. matagal na. lol.
seriously, i want to make money online thru blogging. i believe i can do it - i was into writing before so why not monetize the one i love doing ever since? davah?
at susko naman, sana may mag comment na. lol.
makaawa ba?!
seriously, i want to make money online thru blogging. i believe i can do it - i was into writing before so why not monetize the one i love doing ever since? davah?
at susko naman, sana may mag comment na. lol.
makaawa ba?!
Subscribe to:
Posts (Atom)












