Showing posts with label junakis 1. Show all posts
Showing posts with label junakis 1. Show all posts

Saturday, July 21, 2012

alin mas nakakahiya: ang mautot ka at pagtawanan or lumubo ang sipon sa kakatawa?



salamat sa drawing ng junakis 1 ko. inantok na ako kakaantay. isang oras din.

Sunday, July 8, 2012

shopping galore @ forum mall

finally finally i found a guess for kids store here in sg. not only that i was able to befriend the sales associate so she will be sending me sms whenever there's a sale.

look what i had for the kids.

Thursday, June 28, 2012

bulbulito bayagbag

isa sa mga nakakawindang na usapan.

habang nagpa-panic at nag-skype kami.

junakis 1: papa may hair ako sa tinggoy?

Thursday, June 14, 2012

matimatiks

"mama, tulungan mo ako sa assignment ko" sabi ni junakis 1 ko.

at present e syang nagpapaalala sa akin na ako ay isa ng gurami. imagine, may highschooler na aketch!

nang may buong pagmamayabang sinabi ko, "oo ba, wag kang maglalaro ng pc games, tapusin muna natin assignment mo ha. ano ba yon?"

"using complements in venn diagram..."

ansaveh?!

Sunday, May 27, 2012

sign board

Dec 1997 - graduating class na at kailangan ng matapos ang feasibility study. nagpunta kami ng pangasinan para maki tuloy sa bahay ng kaklase at eventually ituloy ang research sa kung saang lugar ay limot ko na. isabela ata or nueva ecija - basta ung maraming taniman ng bulak. sa paglibot namin sa mga karatig lugar - hindi ko matandaan kung sa Manaoag or sa bus ko nakita to:

"madaling maging tao, mahirap magpakatao" - nakasulat sa naka arkong kahoy sa may bandang entrance ng lugar.

kung tutuusin, hindi pa ako adult non. wala pang 18, walang voting power, walang trabaho, walang purchasing power. pero umukit sa akin yon. at sa bawat batang nilalabas kong bata sa mundong to sa hindi sinasadyang paraan, kasama non ang dasal na sana maging mabuti silang tao. na sana kung ako man ay naging alipin ng pansariling kagustuhan, sana maging iba ang mga anak ko. sana magiwan sila ng marka sa bawat taong nakakasalamuha nila. isang dasal at pangarap na sana ay para sa akin pero dahil mas pinili kong maging isang ina sa paniniwalang ang mali ay hindi maitutuwid ng pagkakamali.

sa pagdaan ng panahon, may mga bagay na nakikita man natin pero hindi natin kayang hawakan, hindi kayang sakupin at hindi maintindihan. sabi nga nila "it's beyond our control". we can only do much in this life -  para sa magulang, kapatid, asawa at lalong lalo na sa ating mga anak. kahit anong gawin natin, we cannot impose someone to be a better person than us because we failed. let us not control the lives of the ones we love because our became astray. being the person than we are now who has seen what could be coming, we can only guide. be thankful and happy that we can do this for our children

para magkapatao, let them be. 


Friday, May 11, 2012

late mother's day post



this made my heart bleed and my eyes popped like a frog when i first saw this image. the boy is an orphan who wanted to be with her mother but cannot so just drew her on the floor and slept beside her.

knowing how addicted my kids to playing video as evident by our daily encounter during skyp-ing, i know deep inside them are orphans like that boy in that picture. yeah, sabihin mo naman feelingera ka te, malay mo naman hindi. baka naman wala lang sa mga anak mo na wala ka don.

being mother-less is not nothing, okay.

before they learned that chun-li kicks that high but cannot hide her undies, my junakis' were inside my tummy whom my strength was his strength, my emotions were his. get it?! we were one before. separated by my idealistic motives of "i am doing this for my kid".

come on. i should act early. i can never be an ofw for a long time. there should be plan b if there was ever a plan a.

plan then act on it. i don't i can be that heartless for a long time. my kids need to be with me. otherwise, i will be with them.

Saturday, April 14, 2012

sa mga anak ko

ilang araw ko na kayong hindi nakakausap, nakikita. may tampuhan kami ng papa nyo e pero wala yon. lagi naman kami nagbabati kase love namin isat't isa at love namin kayo. hindi namin kayo bibigyan ng broken family.

naka off kase ung cp ni papa. gusto ko sana marinig boses nyo kahit mahal ang tawag. sumasaya kase ako - nakaka-tanggal ng lungkot lalo na pag nasa bahay na ako at mag isa lang.

miss na miss ko na kayo. ung tunog ng tawa ninyo. ung kulit. ung lambing.

sana makasama ko na ulit kayo.