Wednesday, February 29, 2012

awesome miriam

Watching the senate hearing was far more entertaining than any local television show right now.


with all due respect, senator judge miriam santiago is no doubt one of the philippines' wittiest and no-holds-barred political figures. say she found out one day and finally realized that graft and corruption in pinas is like a river heading to the sea then into the ocean, she can easily shift her career. bet she will outstaged whoever is reigning now as comedy queen.


come on. her pick up lines are classic. heard she was even asked the spelling of her latest tag line "awhhh"???


not sure though.


no one can blame the poor guy covering his ears. dealing with such an over-powering lady is no joke.


either you love or hate her.


awesome....


Published with Blogger-droid v2.0.4

mobile blogging

Glad found this apps sa market. Haist. Pede na ko mag blog thru mobile. Yahoo!

Published with Blogger-droid v2.0.4

you are already

yan ang gusto kong sabihin sa junakis no. 1 ko. you are already - the dramatic actor!

i was talking to him last but he was not in front of me. he was somewhere in the house. basta ang nasa sight ko lang e ung sponge bob kong mug at ung pitsel sa ibabaw ng lamesa. pag may nakakita sa akin sabihin me lunatic interval na naman ako.

lintek tong mga bata ngaun no. walang katakot takot sa magulang. i mean ung freedom of expression nila sa parents ha e abot hanggang sky! i wouldn't do that to mudra nung malakas pa sya no. sampalin ako non.

empre ako naman e nung sunday pa e emoterang emotera na so nabagabag naman ang pusong ina ko. i was trying to explain to him lahat lahat na. walang epek. lungkot ko.

epic failure. :(

then it was house husband's turn.

i was still crying pagharap nya. ngongo version pa ang audio ko. told him to read my conversation with junakis no. 1.

tae talaga asawa ko. psp lang daw katapat non! may point sya. lols.

well, nagsimula lang naman ang drama-rama sa hapon ng anak ko nung pinatigil ng maglaro sa pc dahil sa pabulusok pababa ng grades nya at nung araw araw ko ng sini-sermunan dahil don. so hinanapan naman ako ng butas. magaling. pede talagang mag abogado.

Monday, February 27, 2012

minsan ndi ko gusto ang biro ng buhay, nakakapikon!

i was in the mood to discuss my professional views about the oscars but i had to attend the skyp-ing with my "pamily". at pagkatapos non, parang kay bigat ng loob ko. ilang makasaysayang tanong ang ibinigay ni house husband ang ndi ko masagot. masagot ko man e "hindi ko alam"?!

ofw ka, sgd kita mo, me kanser naman mudra mo. oo napapadalhan ko sya ng pambili ng gamot, pag kinapos gamot nya, wala ako sa tabi nya para himasin man lang kahit isang beses ung paa nyang namamaga...nasusungitan ko pa.

hirap na din si house husband sa mood swings nya...wala naman akong mapaglagakan sa kanya na magiging masaya sya kailangan ko bang pasanin lahat ng to?

tang ina kse tong kapatid ko walang silbi. lord sorry ha. pero ndi mo ba gusto makasama kuya ko ng mas maaga sa tinakdan mong panahon?! im sure you'll enjoy his company.

malulungkot din ako pero at least alam kong mag isa lang ako. kesa ganito.

minsan, sana wala ka na lang magawa di ba?! para un na un. ewan ko, nakakainis. ang hirap.

krayola can cause colds and headache

no sister. not talking about the coloring brand okies? at saka crayola un ndi krayola loka!

am talking about here being crying ladies, drama-dramahan,pag-iinarte at pagluha ng walang humpay.

heard it right! did you ever experience crying your heart out loud over a song? kase, kase, ang lungkot ng song. tapos pag tapos ng kanta, hinto rin ang krayola mo tapos replay mo ang song then krayola ka again? haist...

ganyan na ganyan ako nung sunday. davah nga, boitday ng pudra?! so umaga pa lang emotera na ang peg ng lola mo te. tulo na ang luha nagbubukas pa lang ng laptop. parang me director na nagsabi ng "action". as if camera was rolling. pang award te. tapos ni-open ko si laptop, nag search ng kanta. nakita si kanta. lalong bumaha ng krayola!!! ang classic dito pag tapos na si kanta, hinto si krayola. empre ni-rape ko ang replay button. at habang nire-replay ko, to be continued ang krayola ko. parang tanga no?!

at nag kol si house husband sa skype ko. tumutulo pa si krayola at ang sipon sa ilong. alangan namang sa mata ang sipon. na experience mo na ba un?!

touched ako kase concerned sya. ano daw prob ko at umiiyak ako. tapos sabi nya sana daw naghilamos muna ako bago nag laptop kase sumamasa pagbaba ng luha ko ang muta ko.

hahahaha...hayop na un! empre kung me best actress kailangan may best child actor.

ang bunso-yi hindi nagpatalo. humarap din sa cam hawak hawak ang mga pitsur ko nung nilayasan kong kompanya sa pilipinas. at krayola din. panalo.

sabay sabing "i love you mama, i miss you". waaaaahhhhhh....ndi na funny to. uwi na kaya ako.

that was my sunday. eto ako. suffering from sever headache at so incovenient runny nose with manaka-nakang pagbabara ng ilong. ndi ko na uulitin un. i am sure mas gusto ng pudra na nagsimba ako para ipagdasal sya. kesa nagda-drama ako maghapon. cge mag print pa ako ng ka-tsekehan. dapat kanina pa to e.

gasolina

pacencia na pero graduate na ako sa pag discuss kung ibabalik pa ung oil price deregulation or regulation. eto nga topic namin dati sa economics 101. sa pagkaka tanda ko, talo ung premise ko. lols. bukod don, ala naman akong kotse.

ayyyy...parang gusto ko ng mamroblema sa gasolina. gusto ko ng magka car. ang arte! kahit ung simple lang. ndi naman ako maselan. gusto ko lang ng mini cooper katulad nyan. lols again. kapal no.

wait,wait,wait...lumalayo tayo sa usapan tapos anong petsa na ndi pa ako nakapag work. dami ko pa naman process na tseke!

ibig kong sabihin sa gasolina ung nagpapaandar sayo sa umaga. take aside na natin ung mga compulsary like paliligo at pag tut brush. empre hayaang mo namang mabuhay ang iba di ba? linya to ng house husband ko. na miss ko tuloy etits nya sya.

we're talking here about mga ritwal na kapag ndi mo nagawa or na experience e feeling mo last mo na sa earth pero ung iba ndi naman. ha,ha,ha,,,,e sa ganon pakiramdama ko. wag na kaung mangilam, blog ko to e. pede akong ndi mag toner eklat kung anik anik na muk ap or pabango, pero ndi pedeng ndi ako mag cotton buds or maglinis ng tenga - ng 3x a day. haler! you don't wanna see me crave for cotton buds! at bago ako makapag work, ndi pedeng hindi ako matimpla ng kape. emphasis ng timpla ha. ndi ko sinabing inom. madalas kc ganon. timpla ako or kuha sa vendo machine pero ndi ko naman iinumin or uubusin. tapos later i will realize cold as ice na sya. tapos iinumin ko na. praning garci!

naku, naku, malapit na closing. daming work. syala.

quote #1


“i would fail as anyone or anything, but i would not fail as a wife and most of all as a mother”

Sunday, February 26, 2012

kaadikan lang

sa totoo lang sasabog na utak ko...kailangan ko ng kausap. miss ko pamilya ko. sila na pede kong kausapin everything under the sun ng walang pag aalinlangan kaya nag decide na akong mag blog. para kapag you know, aning ako, me outlet. har,har,har...

honestly, more than once ko ng napakinggan ang kantang to na somebody that i used to know by gotye (gotyay/gotyey). cguro mga 100 times plus na since nung friday morning hanggang ngaung araw na to. adik lang di ba? ganyan ako e. naho-hooked ako. either sa panood ng movies, pagbabasa, pagta-trabaho...madali akong maadik kaya nung nagperya ako one time at nanalo, bumalik ako kinabukasan!

ayon talo! ndi ko na inulit. ano bale!

enjoy mga frends. sampay ko muna mga puting damit ko.


sekwet natin to ha. wag nyong sabihin ke house husband ko. eto bago kong crush ngaun. lalo na don sa live performances nya ng kantang to, ang wafu!!!!

miss ko si pudra



if he's still alive, he would be 77 years old by now. he was a very simple man. masaya na sya sa kamote at paksiw. lalo na kapag tinimplahan sya ng kape. i still remember his last few days sa hospital, he couldn't eat anymore coz the tumor was blocking the food and air passage already. nagkape ata kami ng pamangkin kong kasamang nagbabantay. then he said "ang bango, gusto ko din magkape." tinimplahan namin sya kahit hindi na nya nalulunok. but he was happy.

today is his birthday. i miss him so much. but i am sure he's watching over mama who is going thru the same pain he had. gusto ko mag sorry sayo tay...sa pagsusungit ko ke mama pag nakukulitan ako. alam ko kung nandito ka, lahat ng gusto nya ibibigay mo.

love you 'tay.

note: tatay died of squamous cell carcinoma of the esophagus. he started complaining about it around feb 2008 then got in and out of the hospital since then. june 2008 when his body already given up. now, si mama naman is fighting stage 4 ovarian cancer. kay lupit ng tadhana...

maghiwalay na kau please lang

ang hirap pag ofw ka at wala kang kadatungan pag week-end. no choice ka kundi kubain sa kaka-net. happy naman ako kase naka chat ko na ang house husband ko at mga nag kyu-kyutang mga junakis.

on the oda hand, parang ndi ko maa-achieve ang goal kong pumayat pag ganito ng ganito. gusto ko pa naman mapag hiwalay ko na ang close na close kong mga hita o.

ganda kc tingnan kapat naka shorts davah pag maganda ang legs. hilig ko pa naman mag shorts tpos ang chuva chuva na, short legged pa. haist.



ang close na close kong mga hita

at nakuha ko pang mag pitsur habang naglalaba. lol.

di bale, pag yang dalawang yan napaghiwalay ko, gagawan ko sila ng sariling blog. hahahaha...

sleepover sa marina bay sands

magandang hapon blogsphere.

i was supposed to have posted this yesterday pero hindi ko pa na download ung mga pics so naudlot. then, today is my beloved father's birthday. krayola muna ang emotera the pagka gising pa lang. sus, maga na naman ang fes ko.



anyway, here are some pics from my 2-day adventure and sleep over sa Marina Bay Sands nung nagpunta ang aking kumare, dating officemate and sis all in the same person. LOL. wag na natin syang pangalanan for her own protection. para saan? wala lang gusto ko lang itago care nyo.



please bear with me sa arrangement ng mga pitsur ha. i didn't take the pictures of the lobby/gf coz I know mapupunta ulit ako don no?! Ung mga areas lang na doubtful akong mapuntahahan ko pa ulit. Hahahaha....



so here's the elevator area don sa floor ng room ni sistah. 

may slot area jan sa pic where you should insert the keycard then press mo lang floor of destination. pag walang kay keycard wala ka ring "k" makaayat at makalabas sa ibang floor. so kung joy ride sa elevator lang ang habol mo, keribels na din to.




ate saang floor ka?!


going up? going down?


elevator area


eto naman ang hallway going to her room. so cozy and sosyal davah?!


hallway


marina bay sands (mbs) taken from the side view. i did not intend to take pix from this side. naligaw na naman ako so sa ibang part na naman ako ng mrt station nag alight. urgh. parang ang lapit di ba? ang layo pa ng nilakad ko ulit jan pero buti na lang ndi pa deads ang cp so may i take pic pa din ang lola mo.

mbs na naka side view




so this is the famous mbs' skypark. open lang to from 6am to 11pm we were told. these pics were taken during my 2nd day ng sleep-over around 630am cguro. sobrang busy ako pag echos jan tumatawag si house husband ndi ko nasagot. galit na galit. bwahahaha.minsang lang to no!

entrance - hanapan ka ng keycard dito kaya walang lusot mga frends ha. ndi pedeng magkunwaring guest tpos akyat ka dito. juli ang beauty mo.


offcie ng guard. lol.


poolside - ayan ang mga nag swim at nag jacuzzi. antay din sila ng sun rise just like me.


sayang sana hunk man lang nakunan ko in trunks :(




pool side area...simply breath-taking




ganda davah? kulang lang oras ko kc male late na ang lola sa work




babalik ako dito sa mbs at uupo sa mga yan ng hanggang manakit likod ko




shopping center taken from sista's room




endless swimming pool daw?




was at the edge of the 57th floor. katakot.




ang pinaka aabangan kong sunrise. ganda!


sorry guys. wala akong pic na nag swim in alluring bathing suit. maginaw kc!
ayon, na post ko din. makakapag laba na ang emotera. ka lurkey. till next blog mga ka blogsphere. mwah!

Saturday, February 25, 2012

wagas na pagkabigo

lintek na buhay to oo!

wala ka ng sex, sa trabaho pag nainis ka dapat in english ang delivery, pag weekend umay na umay ako sa gardenia tapos ano?! waley!

bad trip lang talaga ako kagabi sa anak ko. aminado naman ako -  i am not a good mother but i am trying. pero pakiramdama ko lang, sa akin lang naman, hindi ko naman deserving masuklian ng 89 to 81 na grade sa science subject d b? tapos uwi daw ako sa graduation.

grabe lang baket ung luha ko hindi tumitigil sa pagdaloy kagabi nung nakahiga ako. pag gising ko, ayun, echoserang froglet ang labas ko.

epic failure kse buhay ko. gusto ko lang hindi sila matulad sa amin. mahirap ba yun?

tuloy, kung ano anong masasakit na messages ang nasabi sa dakila kong house husband kagabi. ala lang...ala pa kc tong blog ko na to so walang humpay ko syang niratratan.

nung nabuntis ako ng dahil na rin sa kalandian naming dalawa, ang panganay ko ang naging bunga. emote ako non empre naman. papahuli ba aketch.

i told to myself -
if i fail as a person and as a daughter, i would never allow myself to fail as a mother and wife.
wapak! bigat di ba? parang linya sa movies. pero ganon talaga. kse daming kong dream-dreaman noon e. pag galing ka sa hirap di ba? idealist ka. kung ano ano tumatakbo sa isip mong makahulugang bagay na gagawin pag nagka pera. e na-jontis.

wagas sa pagkabigo ang mga dreamers. sino tong mga to? si mudra, si pudra, si ate, si kuya at mga wala ko pang malay na mga famangkin noon.

tapos ngayon. waaahhhhh. akala ko may anak akong valedictorian pag-graduate ng grade 6!

kainis, di man lang ako makapag red horse kse dito para i-celebrate ang lumbay ko.

sya, cge na. matutulog pa ako. 6am pa lang tumawag na sa skype si hubby. gusto daw akong makita habang may bingot. yan antok tuloy ako ngaun.

puno na 'ko

naku, ilang taon na lumipas ng nagsimula akong mag blog sabi magkakapera daw ako habang nag e-enjoy sa pagsusulat. windang ako sa dami ng options bukod pa don hindi naman ako makapag concentrate dahil sa sobrang busy-busy-han school of acting ko.

sa totoo lang, since then gusto ko lang naman mapagpatuloy ung pagda-diary ko na ginagawa ko nung high school. sana me blogging na din nung naging boyfriend ko si hubby para documented ang love story namin. ay kilig. he,he,he..

eniways, ayoko na. ayoko ng mag blogging dahil sa pera! gusto ko lang maghanap ng mapaglalabasan ng sama ng loob ko sa mundong ito. nag create nga ako ng bagong blog kc baka ma trace ang tunay kong pagkatao don sa isa. whahaha..

hindi naman dahil sa may lihim akong pagkatao o ano ha. just want to keep my anonymosity. tama ba spelling? ewan. basta. kase gustong kong ilabas ang lahat lahat ng walang reservations. at least pag nag comment kayo walang biased di ba?

ano daw?

basta!

welcome sa kung anik-anik ni emotera. salamat sa pagsilip...

edit: kaka-ayos ko ng template by this time 27 views na ang blog ko. wahahaha...baka mapalo ako ni fafa gugel :)