Sunday, March 18, 2012

making the tanders/guramis/gurang happy

4 days na lang magkikita na kami ni mudra. well, marami akong na skip na kwento about the beloved mudra these past few days.

hindi ba nga tumakas sya sa jose reyes hospital a few days back. you heard it right, tumakas ang aking mudra na hirap na hirap makalakad dahil sa gout nya from jose reyes hospital.

did i say tinakasan nya ung hospital? kulit no. well, sa totoo lang cguro 2 days after that incident ko pa na absorb how awful she might have felt then para magawa nya yon. i know she's been complaining about the pain on her leg since time immemorial. tapos pahihigain or pauupuin sya sa semento ng letseng ospital na yon!

imagine doing that to your 73-year young mudra. tang-ina kse tong kuya ko. sukat ba namang iwanan at parang walang ng planong balikan.

ilang araw na lang magkikita na kami. aside from looking forward to seeing my junakis again, i had been thinking what to bring or what to do para ma compensate yong mga paghihirap nya sa akin simula noon hanggang ngayon. not in five days.

suntok sa buwan yon.

well, i came up with a list of things na pedeng makapag pasiya sa ating mga oldies. baka iba ung sa inyo but to give you an idea. unfortunately, dahil 5 days lang ako sa pinas, so mostly material things to. panay pagkakagastusan. but who cares?! nung malakas pa sila at tayo ang umaasa sa kanila, ginawa nila lahat para sa atin. inggrato ka!

moving on...

  • bring the mudra sa kanyang favorite place
    • may mind set na si mudra na kapag nasa vicinity ng hospital e feeling safe and pampered. kaya ng ura-urada nagpunta ng jose reyes na walang bala e. few oldies enjoy malling dahil nalalamigan sila at nasu-suffocate ata sa maraming tao. ending nito, baka mag hospital hopping kami ma feed ko lang ang trip nya. or mag-picnic kaya kami sa gitna ng lawn ng east ave hospital. or di naman kaya, mag drop by sa qc general hosp at don mag meryenda. don ke ate na nagtitinda sa opd ng napakasarap na lumpia at bbq on the go. ang suka, naka-plastic cup. ay naalala ko tuloy ung ginatan. shet, tulo laway ko mga pagkaing to ah.
  • bilhan mo ng gadget na pang oldies
    • hindi ako part ng marketing or advertising campaign ha but there's one model of cherry mobile suited for senior citizen. it has a large keypad good for texting and calling ng mga gurang. well, i tried searching the net but to no avail. saka wala naman akong bayad para promote sila ng bongga dito no?!
    • hearing aids sana e pero hindi ko pa na canvass. mukhang mahal. pag ipunan ko muna. para pag nag usap kami ni mudra, hindi laging message sending failed. parang text lang! minsan kse may sinabi na ako tapos NR ang lola mey. minsan naman, labas na litid ko sa leeg bago nya ma-getching. hay, tapos nakikita ko frustrated na sya.
  • bilhan mo ng hilig nila since noon pa
    • for my mudra, napakadali lang nito. lotion, pabango, payneta, x-large panty, 40C bra at duster. wapak na!
  • bilhan mo ng kailangan nila sa ngayon. hindi naman kaila sa inyo na may cervical cancer ang mudra ko, so hindi ko naman maaasikaso ung pagpapa chemo nya sa loob ng 5 days no. kaloka ka. yong kuya kong tatanga tanga ang bahala na don basta sa akin ang financial.ano faflu! sa pagkakaalam ko, 50% ng perang pinapadala ko kay mudra ay nauubos sa pambanyos nya. ewan ko ba?! manananggal ba si mudra at walang humpay ang pagbanyos. feeling ko matagal ng inaabangan ng mga kapitbahay namin if maghahati katawan nya.bwahahaha.
    • mega gigantic towering bottle ng omega pain killer. based sa aking research, 120ml lang ang pinakamalaki nito. around Php100+ pero sa amazon ha, shining glittering $9.99 sya. makapatong naman sa presyo. at mag aamoy mint na naman pati utot ng mga anak ko sa balay.
    • banig-banig at laksa laksang chilli plaster. ewan ko lang if makilala pa namin sya sa "mummy" look nya after.
  • bilhan mo ng bisyo nya. aside from magbanyos, may isa pang bisyo ang nanay ko. ang mag ngata ng galletas chorva ba un, pandesal at toasted bread na madalas nilang pag awayan ng junakis 2 ko dahil fave nya ang toasted bread at hindi nya binibigyan si mudra or kung sino pang ponsyo pilatong manghingi sa kanya. ang damot te
and the list could go on. important thing is you make an effort to make the oldies feel important and cared about. 

at their age, i realized they don't need lectures. it is hard and useless to teach an old dog new tricks. may mga bagay minsan na ginagawa nila noon na hindi na applicable ngaun. 

what they need now is to feel loved and valued like how they love and value us when we cannot even talk or walk yet.

lab you ma. 


No comments:

Post a Comment