not in anyway related to idiomatic expression or whatsoevah. yan po ung parang western union dito sa sg sa may bandang area ko. hindi real time ang crediting nila, 4 hours after pa pag nagpadala ka before 3pm then 2pm the next day pa pag beyond. pero dahil accessible at affordable ang service charge (7sgd lang tapos me reward points and discounts pa), mas ok na to kesa sa wu.
empre katapusan at araw ng pagsamba ng mga ofw katulad ko. araw ng pagpapadala sa mga mahal sa buhay na akala mo nagwi-withdraw sa atm. minsan demanding pa na akala e ako sa ina magenta at dutdot lang ang kailangan ay andon na agad sa counter.
habang iniaabot ko sa counter ung pera me kasamang dasal na sana mapagkasya nila at masunod ung breakdown na binigay. by experience, bihirang mangyari na masunod. madalas, me palya so me nasa sacrifice. tulad ngayon, wala silang net.
pero masaya ako na nakapag bigay ako sa kanila. sana makapagtipid din ako para madagdag ko next month.
miss na miss ko na mga anak ko. buti wala si simsimi, barado na naman ako nito pag nagkataon.
God bless us
No comments:
Post a Comment