Sunday, April 29, 2012

officially hibernating

simula ngayong araw na to pinuputol ko na ang anumang kaugnayan ko sa mga tao sa pilipinas - kamag-anak, kaibigan o kaaway.

sawa na ako. hindi na kaya ng utak ko ang magplano para sa ibang tao. gusto kong mabuhay para sa sarili ko na lang.

kung ang purpose ko sa mundo ay ma stress sa mga taong ibinigay ng Diyos sa akin, gusto kong humingi ng sorry sa Kanya dahil hindi ko na kayang gampanan yon.

magpapakabait ako at hindi kailanman magpapariwara pero gusto ko ng mag isa.


dream watch

Published with Blogger-droid v2.0.4


Talking about delayed gratification.

Okay, I lost my battle with my own self. Next time, when it is payday, do not go to the mall. Saw this watch and told myself I deserve some reward after all. Only to feel guilty afterwards.

There are few lessons here:
  1. No one knows yourself but only you. No matter how wide reader you are about a lot of stuff it would still be useless if the lesson learned is not apply. If you know you cannot control yourself, do not hit the shopping malls when you are stucked with money that you know is intended for some more valuable things.
  2. When you decide on some thing, be sure to be happy about it.
I do not need the watch. I was just lured by the 20% off the price but surely I can be happy about it since I decided to buy it. A gift to myself but then since I sacrificed some necessities and debts to be paid, I should also give myself some punishment.

Goodbye iced lemon tea for the meantime. Should tight my budget a little bit more.

meh time!

finally had my facial splendour (not sure) @ citi spa. i was excited at first pero the actual preaking made me cry like i was on the operating table and having my cs operation. grabe sakit. tuloy maga ako paglabas ko.haist...

anyway, i had menudo and chopsuey to complete my me time. :)

gusto ko champorado saka ginataang bilo bilo!

Published with Blogger-droid v2.0.4

Saturday, April 28, 2012

secretary week lunch chenes

halo halo sg version. yummy at refreshing esp na ang init init na din dito  sa sg with matching blue berry cheesecake sampler. heaven!


Published with Blogger-droid v2.0.4

trying to be ryan agoncillo

sa wakas na fulfill ko na ang inaasam asam na polo ng asawa ko. to complete his flattery to the famous poging pogi na si ryan agoncillo.

just hope kahit bossing look ay ma achieve nya. :) got this at a very reasonable price @ esprit from its original price of sgd89.90. good buy davah?!


Published with Blogger-droid v2.0.4

Sunday, April 22, 2012

hay buhay, parang life

ang hirap mawalang ng mahal sa buhay pag ofw ka. pati pera malaki mawawala sayo. :(

dalawang araw na akong bina bad trip nitong famangkin ko.

alam kong pag pers tym mong makipag deal sa kahit anong bagay, nakaka tanga talaga e. pero malaking tulong ung may matatanungan ka. kahit ung pan tangang tanong na.

i don't mind sending them instructional sms kahit na nga ang mahal mahal. hindi ko na nga iniinda para lang mabawasan ung dalahin nila. mahal na mahal nya kapatid nya at talagang dinamdam nya pagkawala ng sisteret pero may instance dapat na you should be in sound understanding. napaka simple lang ng instructions na sinend ko ng 1038am. after that, i sent  10 sms about the same topic. siste, umuwi sya sa bundok na hindi pa nabayaran. so tom uulit na naman kami at worse mas mahal na ung ticket.

my gawd.


kaka receive ko lang ng sms. sya na lang daw uuwi kc bawas bawas na pera nila at malayo ang sm. ok lang daw ba na iwan ung isa nyang kapatid. hindi ko kc maintindihan baket kailangan na mag eroplano if kulang na ung pera. pwede naman mag-barko. anlufet ng mga to.

ung pagkamatay ng pamangkin kong babae, dala na rin ng katangahan nila. ung nanay walang ginawa man lang para mai-communicate na sobrang emergency na ung case ng anak nya! one month ng nilalagnat, dinala sa ospital nung kailangan ng salinan ng dugo. typhoid fever lang un. susko!

ung pamangkin ko naman na nuknukan din ng ewan, pag naka OL sa fb, laging sinasabi nagkakasakit na sila don at gusto ng umuwi. wala man lang sense of urgency. 

hayyyyyyyyyyy. 

i need to go to church para mabawasan ang imbyerna ko.

i need to have a sound mind.

Tuesday, April 17, 2012

instagram

so this is the application facebook has bought. nothing fancy. another over rated technology craze splurring the internet. over rated just like merlion. will post more gala pics if i have time.


Published with Blogger-droid v2.0.4

Monday, April 16, 2012

bye bye tin tin namin


this is the 2nd loss in my family - first was tatay. but she this one was super unexpected. and i did not do anything - i couldn't do anything.

ang hirap ng ofw. me mga bagay na feeling mo dapat nagagawa mo.  i feel so much pain right now - for the loss and for the guilt. i wish i did something. i wish i was able to do something to save her.

bye tin. mahal na mahal kita katulad ng pagmamahal ko sa iba pang pamangkin ko. lahat kayo part ng pangarap ko.

i requested for a company loan but i was denied. gusto ko sana malipat ka sa manila para makita ng lola at papa mo pero denied. sana me iba pang paraan.

Sunday, April 15, 2012

haus hunting mode


hirap maghanap ng haus!

okay naman sana dito ke doris bigo-nia no. i mean wala syang ganong rules at walang arte. pero naman, ang dugyot. parang dapat uuwi ka pag papakit na mga mata mo. ung tipong antok na antok ka na. ganon!

at gusto ko dito malapit sa work.

un lang, ang dramarama sa hapon hindi na natatapos. laging me sequel ang crying ladies ni sharon cuneta. at talagang minsan hindi ko ma-gets if baket ang ayos ayos naman tapos biglang magsisigawan. huh! may sayad ata tong mga to.

at ang bunso ha (remember may earth hour post?! sya un!), bigla na lang magsisisigaw nung fave expression nya pag naglalaro ng maliliit na soldier toys!

itutulog ko na to. sobrang pagod. ung kausap ko don sa paya lebar, mas magulo pa sa bulbol ko. hindi alam if saan ako papapuntahing unit. kala nya hindi ko sya tatalakan. at hindi ko sya sinipot. gago sya!


Published with Blogger-droid v2.0.4

Saturday, April 14, 2012

sa mga anak ko

ilang araw ko na kayong hindi nakakausap, nakikita. may tampuhan kami ng papa nyo e pero wala yon. lagi naman kami nagbabati kase love namin isat't isa at love namin kayo. hindi namin kayo bibigyan ng broken family.

naka off kase ung cp ni papa. gusto ko sana marinig boses nyo kahit mahal ang tawag. sumasaya kase ako - nakaka-tanggal ng lungkot lalo na pag nasa bahay na ako at mag isa lang.

miss na miss ko na kayo. ung tunog ng tawa ninyo. ung kulit. ung lambing.

sana makasama ko na ulit kayo.

jessica sanchez is a pure talent - not just pinoy. oh please!


this brought goosebumps. eliminated (almost) and then saved - jessica sanchez must have felt a little crazy inside about these whole charade.

she is now heavily recognized as filipino talent - not america's talent. that being said, her chance and likelihood of winning this talent search is almost gone. being saved even, IMO, brought a little negativity for her.

she is a great talent - not because she is a filipino but because she is talented.

period.

kung gusto nyo sya manalo, katulad ng sinabi ko na dati, hayaan nyong i-claim sya ng amerika. tong mga echoserong pinoy pride anik anik nyo magpapatalo sa bata.

haist.