Friday, May 18, 2012

bisyo na 'to!

i can now imagine how my other relatives and my husband's relatives abroad were feeling every time we drop a message at facebook asking for financial help. probably the same feeling i am having right now. 

for three days straight, my husband and i, had been receiving,  expressly and impliedly, messages asking for financial help. first was from nephew - asking for like 500 bucks lang naman because mapuputulan na daw sila ng tubig and pandagdag sa pang atm ng pinaka maganda kong pamangkin. fine. walang problema. valid reason pero sana maghanap na sya ng work kahit alam nyang pag aaralin ko sya. tingin nyo, davah?! second, kailangan pala ng pang enroll ng pamangkin kong idol si boy abunda so nagpunta si ate sa bahay. 250 pesos lang naman at saka ate ko yon. fine. kinabukasan, si brother-in-law naman. mapuputulan na daw sila ng ilaw at kailangan ng pandagdag na 900 pesos. dahil sa asawa ko, pinagbigyan na din namin. kinabukasan, may fb message ako, galing sa asawa ng pamangkin kong isa. kailangan daw ng pampa check sa apo kong 3 days ng nilalagnat. pwede naman nyang dalhin sa public health center or sa government hospital, katulad ng ginagawa namin sa anak ko kapag walang wala kami. and then, today, nag drop din ung asawa ng brother in law ko. pahingi daw ng pera kahit magkano lang! hindi ko na sya pinaasa. i told her straight na wala akong mapapahiram sa kanya dahil tinulong na namin sa asawa nya. tapos sabi pa nya wag kong sabihin sa asawa ko?! huwat?! turuan pa akong maglihim e un na lang kakampi ko sa buhay bukod sa mga anak ko.

 the money involve was probably small. but the point is - bisyo na to!

ginagawa na ba nilang libangan ang paghingi sa amin? i mean hindi kami madamot mag-asawa. like we plan for them. we plan to how make all our lives better. pero pano kami makaka ipon kung ganito!

my husband and i decided not send the kids to private school simply because we cannot afford it - yet. we accepted the sad truth. kesa ang umasa pa kami na tutulungan kami ng mga tyahin nya davah?! at parang, ikr, so awkward. you know, ofw ka tapos umaasa ka pa din na tulungan ka financially. kung hindi kaya, hindi kaya. ang dami ko pang utang at hindi pa un nabawasan ng isang kusing nung pagpunta ko dito tapos ganito. masakit don, ayaw nilang maniwala na mas matangkad pa sa akin ang listahan ko ng utang.

i don't want to shut them out of our lives or magtampo ng tuluyan pero ayaw kong masayang ung sakripisyo ng mga anak ko for being mother-less for how many months now and counting. 

pano ko kaya mapapa-realize sa kanila na wag nila kaming gawing easy access to solve their financial problems. at sana hayaan din nila muna kaming makabangon sa pagkakalugmok.


No comments:

Post a Comment