saka na nga yata ako papayat pag inuuod na ang aking katawang lupa. ung officemate kong indiana na parang higante kasing bigat ko lang. ayaw ko man isipin pero minsan talaga life is so unfair. si bff at ang iba nyang katulad na parang rice monster pero hindi nagtatabaan ang mga taong pinagpala.
sad to say, hindi successful ang aking suicide attempt kuno. hindi dahil hindi effective pero hindi ko natuloy.
at dahil depress-depressan school of acting ako since morning, hindi ako umuwi ng maaga at naglagalag sa mall na more than 100 times ko ng pinuntahan. sa tampines mall talaga ako at home. feeling ko andon na kse lahat.
eniwey highway, since andon na ako, empre hindi pedeng hindi puntahan ang kopitiam na may "filipino cuisine" under the new management.
and i had my first taste of paksiw na bangus after more than five months, matuk mo un?! hindi naman ako nabigo, pasable pero mas masarap pa din luto ng bwiset kong asawa (na nalasing kagabi at hindi nakapasok ang dalawa naming junakis for the nth time!). sawa na ako kaka unfriend sa kanya sa fb at kaka-restate ng aking status from married to single kaya hindi ko na ginawa. isa pa, parang immature davah?! may parang pa talaga.
op kurs, immature un. so tina try ko naman ngaun ang silent treatment, cold war, subtle - in other words dedma cum laude skul of akting. leche sya!
...nawawala na tayo sa topic.
ang paksiw na bangus. ayos naman pero walang taba sa tyan. feeling ko in-scraped nila at pinang sahog sa ibang putahe. ung kahapon ay nung isang araw pala, adobong atay - masarap. marami ang servings ng new management. mejo maalat nga lang.
bottomline, masarap pa din kumain ng sariling atin kahit san ka mapunta. pagsasawaan mo din ung foreign dishes.
always heaven to eat something you grown up eating. walang halong green yan teh ha.
ikaw talaga.
No comments:
Post a Comment