hep, hep, hep....before hitting the nearest fair price or any plastic ware section of a supermarket, read on first. this is not about the usual plastic ware.
eto ung mga taong hanggang tenga ang ngiti, nalulungkot sa mga sad stories at concerned sa whereabouts mo, panay ang tanong at interested kapag napalakas boses mo, kapag natawa or napasigaw ka.
oo sila na nga at wala ng iba - ang mga taong ja-fake, back fighter at mas plastik pa sa sikat na sikat na tupperware! akala ko sa pinas lang sila naglipana, aba aba aba, at hindi nagpatalo ang sg, hinigitan pa ang mga plastik sa pinaka-plastik na nakilala ko sa pinas so far. walandyo!
credit to the internet. forgot the website. :) |
hay naku. akala ko kanina nag transform na ako sa pagiging kotse. umusok kc ilong ko na parang tambutso!
akalain mo teh ha, tawan tawanan ka sa phone for a possible mishap ko sana kung hindi ko nagawan ng paraan. considering sya ung closest lokal sa akin sa work place huh?! ano un?! hindi na nya ata maitago ang kasiyahan na mapapagalitan na naman aketch! so kaka!
at hindi pa lumilipas ang 15 minutes at hindi pa tea break, mukhang pinag uusapan na ang lola mey. biglang tumahimik pagpasok ko ng room at parang kandarapa sa pagdampot ng kung anik anik. ung bata (code name) biglang hawak sa airfreshener, ung bruha (code name) biglang scrutinize kuno ng carpet at si matandang kapitbahay (code name) biglang tipa sa key board. hala!
kalurkey!!!
hindi ko na keribels yon kaya nag message ako sa kanya (bruha). empre englisher ang emotera. tapos tumawag at mega depensa sa sarili.
in the end, i need to be truthful at the same time firm na disappointed ako sa actuations (ano daw?!) nya. told her some things/sounds/words are meant for appropriate time and place. and i felt weird that she seemed happy that i had almost messed up again.
na never kong ginawa sa kanya sa ilang beses na kapalpakan nya.
nag apologize naman at nagtanong if same same pa rin kami - meaning if friends chorva. sabi ko oo naman. hindi pwedeng mahalata nya na nakikipag plastikan din ako sa kanya para maka getching ng info.
pwes, dahil sa ginawa nyang to, wala lang.
napaisip lang ako. ang mga ofw hindi lang lungkot ang tinitiis. pati bugso ng galit. sarap laglagan ng pampatae ung tubig at kape nya sa area nya.
imbyerna talaga!
No comments:
Post a Comment