can't help it. kailangan ko talagang tingnan sa stats kung anong post ko ang pinaka uber all time binasa ng mga walang magawang katulad ko.
dahil nakaka uplift sya ng spirit. chos!
and i was surprised.
ung blog kong "egzoyted" ang title ang winner kafatid.
e ano ba ang meaning ng "egzoyted"?
from reading the context of the post, without a sweat you can easily draw what the title of the post was trying to imply. nag search ako ng konti pero walang meaning ang exact word na un.
tenks to pbb contestant "forgot-the-name" kung san ko unang narinig ang salitang yon. wagas naman kase sa kaartehan ung babaitang un e parang anime naman ung buhok nya. anime as in parang cartoons na dikit dikit at parang hindi naliligo kaya parang tatlong buo-buong hibla lang.
eniway, as i was saying, hindi ako ang inventor ng word na yan na ang ibig sabihin sa ingles ay "excited". na pwede ding interpretation ng mga sumusunod na pangyayari:
kapag may lakad - atat or nagmamadali
kay manong driver - kaskasero or minsan naman madaliang paghinto or pagparada sa isang tabi
sabay lagay ng karatulang "break time: tumatae" sa dash board
sa pila - sumisingit
pag kumakain - nabulunan
hindi ako driver, pero i need to go. egzoyted na akong makadaupang pwet ang aming pekeng inodoro.
ciao!
No comments:
Post a Comment