just last week, i received a couple of messages asking my honest opinion about their problems/issues.
hindi ko naman sila natulungan - naimbyerna pa ako don sa isa kaya sya ang pag-tsismisan natin. and besides, sya lang ang hindi nag request na wag i-blog.
isa sya sa mga potential agent ko for an ofw loan at sa kung anong dahilan hindi ako approved. eniway, so bigla na lang nag message sa ym ko na broken-hearted daw sya.
"naku, married na ako with 3 kids" ang sagot ko.
"hindi, gusto ko lang may mahingahan ng loob" ang sabi nya.
ginawa pa akong shock absorber ng loko samantalang hindi ako pinautang!
nagkwento sya at nag detalye pero hindi na natin uulitin dito dahil ihing-ihi na ako.
his gf left him for another man. sobrang sakit daw na para syang galing 150th floor at bumagsak sa ground. so hindi pala masakit pag galing pers floor lang?! ganon?!
sa hinaba-haba ng usapan namin - isa lang naipayo ko sa kanya.
dalhin nya sa plaza ang girlalu na un at pakutusan sa madlang pipol. hindi sya natawa. care ko.
after two days, nag message ulit ang lolo at sinabing humihingi daw ng forgiveness ang talandi. pinalayas ng kabit nya dahil 4 months ng buntis at sya daw ang ama.
naaawa daw sya at saka mabait naman daw ung parents ng talandi na un pero dini-dedma lang daw nya kahit nasa bahay na nila ulit.
at dahil naiihi na talaga ako, hindi ko na rin afford na ulitin pa ung sandamakmak at laksa-laksang pang eye-opener na thoughts and advices na binigay ko sa kanya.
at dahil wala namang epek.
impak, kung maliligaw sya dito sa blog ko, eto ang aking magiging pang-finale:
bro, hindi ako nagtataka kung baket ka pinagpalit ng gel na un. para kang punasan ng paa at wala ka kseng bayag!tumambling ako don ke kuya. wagas!
No comments:
Post a Comment