yan ung latest na page na ni-like ko sa fb. kaaliw mga kwento. sari sari. may tungkol sa pag-ibig - actually karamihan tungkol dito - mga kabaliwan, pagkalito at pagkabigo. ung iba naman nag-ask ng tulong kung pano ung mga pasikot sikot ng kung ano ano. at meron ding katulad ng kaso ko, tungkol sa mga kamag-anak na kung mag message, tungkol sa problema nila sa pera. laging may peso sign sa huli.
one time sumulat ako don para ihingi ng opinyon kung pano ba tumanggi or man-dedma ng mga kamag-anak na kung ituring ka ay atm machine! ni wala ka man lang matanggap na salamat after mo tumulong. dedma lang. ni walang text ng pangungumusta. naaalala ka lang kapag may problema na naman or manghihingi na naman.
wala naman sa halaga. nakakainis lang ung pakiramdam na kung mangutang (indirect na hingi dahil wala namang bayaran) akala mo may mga patago. kung ituring ka parang atm. paulit ulit?unli.
nakakainis kase!
nakakapagod naman kase. nakakasawa.
hindi ko alam kung naiisip nila ung hirap ko dito na parang machine ako na naglalabas na lang ng pera, walang pakiramdama, walang emosyon.
saka hindi naman ako lumayo sa mga anak ko para sila ang suportahan. grabe lang. mga anak ko ang nagsasakripisyo pero sila ang nakikinabang!
minsan naiisip ko napakasama ko para mag isip ng ganito. pero hingi na lang ako ng tawad kay Papa Jesus kung masaktan ko man sila.
alam ba nila na binabalot na ng lagim ng pimpols ang mukha ko dahil sa stress kung paano makakabayad sa mga utang ko?! take note, additional to. dahil ung dati ko pang utang hindi ko pa nababayaran.
habang naka skype kami nung isang araw, nag text daw ang kapatid ko sa asawa ko. tawagan ko daw sila at importanteng importante daw. sabi ko hindi ako tatawag dahil milyones na ang bill ko sa phone. sana sila ang mag text sa akin no. papatawag pa.
at ngaun, dumating ang famangkin ko sa bahay. tinanong ko kung ano un.
e di ano pa-flu?! about sa pera.
(buntong hininga to the max!)
No comments:
Post a Comment