Saturday, July 21, 2012

sana ang relationship hindi right minus wrong

naglipana ang hatred sa mga international group/community sa facebook ng mga ofw katulad ng lola mey sa kanilang mga jowa. fault finding, sisihan, hanapan at kung anik anik na negativities.

pero pano nga ba mapasok ka na sa isang relasyon? dapat ba laging check katulad ng exam? hindi ba pwedeng maybe ang sagot para hindi check hindi rin ekis?

at katulad ng sa exam, hindi ba dapat bago ka sumuong ay handa ka, nakapag basa or nakapag review para kung anuman itanong sayo, kakayanin mong sumagot - tama man o mali. pero may tinatawag ding stock knowledge, ung mga narinig mo, nabasa mo ng konti at napagdaanan mo - pwede mong magamit sa pagsagot sa exam.

nawawala na ata ako sa konek.

eto lang gusto kong sabihin.

ang relationship hindi right minus wrong. parang exam, check lang dapat ang binibilang. ung mga ekis, tinitingnan yan, nire-review, inaaral. para pag na encounter mo na sila ulit, alam mo na ang tamang sagot. at ang sagot mo ay isa nang malaking check na gamit ang fink na ballpen sabi ni nikolehiyala!

at katulad din ang lola mey na naghahanap, nanunumbat at naninisi sa jowa.

pero mas lamang ung appreciation ko sa kahit anong ginagawa ng house husband ko.

wala syang pera pero may lupains sila sa iloilo. with "s" kase marami. chos!

lol.

seriously, madalas pag mag asawa na nawawala na ung kilig factor na meron kayo nung mag syota pa lang. natatabunan na ng worries about the "future" - sariling bahay, decent education for children - lahat stability. mga bagay na hindi mo pinagtuunan ng pansin nung nakikita nung usong uso pa ang tabing ilog at feeling ko kamukha nya si patrick garcia magbobote version. wait, andon ba sya non?! ang pagkakatanda ko si rovick ang crush ko kaya nga in-stalk ko ung kapitbahay namin tapos nakuha ko ung phone number na number pala ni house husband kaya naging phone pal kami at nagkasundong maging kami na lang kase parang wala naman daw nanliligaw sa akin. potah! pinatulan ko naman ang offer.

patola ako e.

going back, pag mag asawa na, more on looking forward sa "future" na - future ninyo at ng magiging anak. tama di ba? which is tama naman. wag lang uber. uber in a sense na, sky high na ung expectations mo sa partner mo. like baka naman hindi nakapag tapos ng pag aaral tapos ini-expect mong magka sweldo ng pang manager?! haler naman teh. kung madiskarte at nag aambag naman sa family - in kind or in cash, dapat matuto tayong ma-appreciate yon.

at wala na sigurong pinaka masarap na "future" na kayo pa rin sa bandang huli, magkahawak ang kamay at pinagkwe-kwentuhan kung paano kayo nagsimula at kung paano nalamapasan lahat ng unos, bagyo, kidlat, tsunami at lindol ng buhay.

okey, ganyan ang asawa ko. kaya nga nagsi-share sa inyo.

No comments:

Post a Comment