Sunday, May 27, 2012

sign board

Dec 1997 - graduating class na at kailangan ng matapos ang feasibility study. nagpunta kami ng pangasinan para maki tuloy sa bahay ng kaklase at eventually ituloy ang research sa kung saang lugar ay limot ko na. isabela ata or nueva ecija - basta ung maraming taniman ng bulak. sa paglibot namin sa mga karatig lugar - hindi ko matandaan kung sa Manaoag or sa bus ko nakita to:

"madaling maging tao, mahirap magpakatao" - nakasulat sa naka arkong kahoy sa may bandang entrance ng lugar.

kung tutuusin, hindi pa ako adult non. wala pang 18, walang voting power, walang trabaho, walang purchasing power. pero umukit sa akin yon. at sa bawat batang nilalabas kong bata sa mundong to sa hindi sinasadyang paraan, kasama non ang dasal na sana maging mabuti silang tao. na sana kung ako man ay naging alipin ng pansariling kagustuhan, sana maging iba ang mga anak ko. sana magiwan sila ng marka sa bawat taong nakakasalamuha nila. isang dasal at pangarap na sana ay para sa akin pero dahil mas pinili kong maging isang ina sa paniniwalang ang mali ay hindi maitutuwid ng pagkakamali.

sa pagdaan ng panahon, may mga bagay na nakikita man natin pero hindi natin kayang hawakan, hindi kayang sakupin at hindi maintindihan. sabi nga nila "it's beyond our control". we can only do much in this life -  para sa magulang, kapatid, asawa at lalong lalo na sa ating mga anak. kahit anong gawin natin, we cannot impose someone to be a better person than us because we failed. let us not control the lives of the ones we love because our became astray. being the person than we are now who has seen what could be coming, we can only guide. be thankful and happy that we can do this for our children

para magkapatao, let them be. 


No comments:

Post a Comment