Sunday, September 23, 2012

nilipad ng hangin

ganyan ung panahon na nakasama ko si house husband. sa sobrang bilis, parang nilipad lang ng hangin ung oras at panahon - hindi mo namalayan hindi mo na mabalik.

for his entire stay, i did not write anything. sa sobrang saya ko, kahit na cliche na, words are not enough to describe my happiness - ganon din ang pakiramdam ko ngaun.

nag blog lang ulit kase wala naman na akong ibang gagawin maliban dito.

back to the same boring de-latang life.

back to being alone and lonely.

wala ring room mate.

pero wala namang choice kundi moving on. i cannot stop here. 




Wednesday, August 22, 2012

a gentlewoman's dignity

pagod na pagod na akong mag isip. kelan kaya darating ung araw na wala na lang akong pakialam? ung dedma cum laude sa iisipin o mararamdaman ng mga taong malayo man sa akin ay sentro ng mga plano ko? ako ba talaga ang hindi marunong umintindi?makitid ba utak ko? mahirap bang iparating ung gusto kong mangyari? siguro panahon na para magpahinga. kapagod e.


Published with Blogger-droid v2.0.4

Saturday, August 18, 2012

rh bill sa aking emoterang pananaw

ang rh bill po ay hindi red horse bill kundi reproductive health bill na sa loob ng 13 years or so ay pinagtatalunan na ng iba't ibang panig at grupo sa pilipinas. ito ay naglalayong mapabuti ang antas ng pangangalaga sa mga kababaihan at ang malalim na pagpapahalaga sa pagpaplano ng pamilya sa pamamagitan ng malawakang pagsulong ng paggamit ng mga contraceptives gaya ng condom, pills at iud. ang mga pro ay nagsasabing sa rh bill maaaring ma-kontrol ang sa ngayon ay mabilis na tumataas ng populasyon ng pilipinas at kalaunan ay maging sagot sa pag kontrol ng malawakang kahirapan sa bansa.