Thursday, May 24, 2012

exhausted

letse! tatlong araw na akong pagod na pagod kakalakad sa paghahanap ng "the one" - ang aming magiging sanctuary at kanlungan ng pagal na katawan sa araw araw.

ang hirap maghanap ng bahay - na pwede kaming magkasama ni sister. patang pata ako sa bawat pag-uwi ko sa letseng unit na tinutuluyan namin ngayon.

anyway highway.




anong konek ng bench na yan sa taas sa topic? wala. harharhar. gusto ko lang i-post baket?me reklamo?

pero ano nga ba ang dapat hanapin mo sa pagpili ng magiging pansamantala mong tirahan habang malayo ka sa pamilya.? the list comes in no particular order. you have to weight things over at kung ano at saan ang swak na swak, gora na!
  1. affordable - unang unang consideration ay ang presyo. kaya ka nga nagtitiis malayo sa kanila para maka-ipon at hindi para magpa bongga ka day.
  2. comfort - hindi porket mura ay mag settle ka na sa place. baka naman parang pugon e hindi naman makatarungan un. choose a place where you can have a good rest after a hard day's work. naging isang consideration namin to drop a very affordable room was ung toilet. sinauna pa so ayaw namin non kahit na ganon pa sya kamura.
  3. convenience - dapat convenient at accessible sa work at sa ibang amenities na tingin mo kailangan mo sa araw araw na buhay mo. hindi porket comfortable at at mura, ay magkandarapa ka na. baka naman 4-hour travel e naku, talo!
and other things come next. like ambiance, hitsu ng mga magiging kasama sa bahay etc.

at the end of the day, it is still your call.

No comments:

Post a Comment