this is it pansit. i see the end coming. so after all, malabo na palang magbayad sa public transport ng may senior citizen discount.
i guess i hurt you that much para maging ganito na.
i am sorry for hurting your feelings, pride or kung anumang echos nagawa ko. i know i have said things na nakakainsulto. but i am not sorry for saying those words. i did not mean to hurt. gusto ko lang magising ka. mag -isip if naka align pa ung mga ginagawa mo sa plinano natin.
ilang taon na ba tayo? kukulanging na tayo sa oras para matupad ung mga gusto natin para sa mga bata. hindi ko planong mag work habambuhay. gusto ko din e-enjoy ang mga anak ko. alam mo bang magka-work ka lang ng maayos ung hindi tayo mangangamba if makakabayad sa bahay or mapuputulan ng kuryente, uuwi agad ako jan sa pinas at mag aalaga na lang ng mga anak ko.
sobrang thankful ako sa mga ginagawa mo para sa pamilya ko. ke mama at sa aking extended family. kung iba napangasawa ko, i don't think na pwede tong ginagawa nila sa atin. but it doesn't give you an excuse para maging relak no! sana maintindihan mo na ikaw ang lalake sa pamilya. ikaw dapat ang nagbabanat ng buto. oo andon na ako mahirap talagang maging ina. hindi lang sa pagpapakain natatapos obligasyon. ewan ko kung nage-gets mo pa ako. sa dami ng sinabi ko simula noon.
hindi ko na nga naiintindihan e. sabi mo gusto mo magkasama sama na tayo pero baket ganon?! baket ganon ka?! sobrang swerte ko na ung pacencia mo sa akin ganon kahaba pero pacencia na dahil hindi ibig sabihin non ay ito-tolerate kita. magalit ka sa akin katulad ng nagagalit ako sa mali mo. feeling ko tinitiis mong kimkimin ung nasa loob mo para maging ganon din ako?
isa lang request ko. kung anuman ang pinagdadaanan natin ngayon, wag mong ilayo sa akin ang mga anak ko. sila pinagkukuhaan ko ng lakas. wag kang ganon. taka nga ako e, ikaw pa galit?! hanep!